Umaasa si Senate President Sherwin Gatchalian na nasa tamang landas na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) tungo sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlarang pang-ekonomiya.
Ito ay kasunod ng pagkakatalaga kay Abdulraof Macacua bilang bagong Chief Minister ng rehiyon, matapos siyang mahalal sa inaugural session ng mga miyembro ng Bangsamoro Parliament.
Binati ni senate president ang mga taga-BARMM at si Macacua at pinahayag ang kumpiyansang isusulong ng bagong liderato ang mabuting pamamahala, pag-unlad ng ekonomiya at kapakanan ng mga residente.
Hinimok din ni Gatchalian ang mga political bloc, civil society organization at lokal na pamahalaan na suportahan ang bagong administrasyon para matiyak ang katatagan at inklusibong pag-unlad sa rehiyon.
Naniniwala ang senador na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ay makakamit ang matagal nang inaasam na kapayapaan at mas maunlad na pamayanan para sa mga Muslim at sa buong Mindanao. | ulat ni Nimfa Asuncion