Itinanggi ni Cagayan de Oro 1st District Representative Lordan Suan ang kumakalat na pahayag sa social media na magpapatawag umano siya ng pagdinig sa House committee o maghain ng umano’y shoot-to-kill resolution laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa kapag hindi ito sumuko kaugnay ng arrest warrant ng International Criminal Court o ICC.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Suan na walang katotohanan ang naturang alegasyon at wala siyang inilabas na anumang babala o panukalang ganito.
Bilang abogado at lingkod-bayan, iginiit ni Suan na naninindigan siya sa due process at rule of law at hindi siya gagamit ng mga pahayag na maaaring sumira sa mga prinsipyong ito o maglagay sa panganib sa kaayusang pampubliko.
Hinimok din niya ang publiko na beripikahin muna ang mga impormasyong nakikita sa social media at sumangguni lamang sa mga opisyal at mapagkakatiwalaang sources. | ulat ni Kathleen Forbes