Ligtas ang walong Filipino crew ng tugboat vessel na lumubog sa Strait of Hormuz dahil sa unidentified projectile nitong November 1, 2026, ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac.
Ito ang ipinagbigay-alam ni DMW Sec Hans Leo Cacdac sa Radyo Pilipinas World Service.
Ayon kay Sec. Cacdac, kasalukuyang nasa pangangalaga ng Philippine Labor Atrache’ sa Oman at binibigay ang mga karampatang assistance o tulong sa mga nasabing Pinoy seafarers.
Dagdag pa ng kalihim na nakatakdang ma repatriate sa lalong madaling panahon ang mga ito sa Pilipinas.