Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang homecoming ceremony para kay Filipino tennis sensation Alex Eala, upang muling kilalanin ang makasaysayan nitong pakikipagtagisan ng galing sa international tennis.
Sa harap ng nasa 1,000 mag-aaral ng Pasig Central Elementary School, sinabi ng Pangulo na hindi lamang ang galing ni Eala sa court ang binibigyang-pugay ng pamahalaan kundi ang personalidad at pagkatao nito na mapagkumbaba, magalang, at nagsisilbing inspirasyon para sa mga kabataan.
Sabi ng Pangulo, pinalalakas na ang ugnayan ng Department of Education (DepEd) at Philippine Sports Commission upang maibalik sa grassroots o sa mga paaralan ang sports.
Kahit aniya, dalawang oras kada linggo, dapat ma-expose ang mga kabataan sa sports, upang mabuksan ang hilig o interest ng mga ito sa palakasan.
Kung matatandaan, patuloy na pinalalakas ng pamahalaan ang sports development sa bansa, maging ang suporta sa mga atleta.
Katunayan, ang major rehabilitation ng Philippine Sports Arena, naisakatuparan sa ilalim ng Marcos Admministration.