Makikipagpulong ngayong araw sa National Council on Disability Affairs (NCDA) ang Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) kaugnay ng mga reklamong natanggap laban sa Pinoy Big Brother: Collab 3.0.
Tatalakayin sa pulong ang isyu ng panggagaya ng ilang housemates sa paraan ng pagsasalita ng mga persons with disabilities na ikinabahala ng NCDA.
Ayon kay MTRCB Chairperson Lala Sotto, umabot na sa mahigit 2,100 ang reklamong natanggap ng ahensya laban sa programa sa nakalipas na dalawang linggo.
Kasama rin sa tatalakayin ang panawagang higpitan ang pagsusuri sa mga palabas, partikular sa mga unscripted program.
Matatandaang pansamantalang itinigil ang livestream ng programa nitong nakaraang weekend.