Umabot na sa ₱135.3 milyon ang pinsala sa agrikultura dulot ng bagyong Luis, Maymay at pinalakas na Habagat.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), mahigit 6,000 magsasaka ang naapektuhan habang nasa 4,500 ektarya ng sakahan sa limang rehiyon ang nasira.
Kabilang sa mga tinamaan ang palay, mais, high-value crops at livestock.
Inatasan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga tanggapan ng DA na pabilisin ang pagbibigay ng insurance claims, pautang, at iba pang tulong sa mga apektadong magsasaka.
Naghanda rin ang DA ng ₱106.5 milyong halaga ng binhi para sa mga apektadong lugar.
Maaari ring umutang ang mga magsasaka ng hanggang ₱25,000 sa zero-interest Survival and Recovery Loan Program.
Patuloy pa ang assessment ng DA, kaya posibleng madagdagan pa ang naitalang halaga ng pinsala habang nagpapatuloy ang validation sa mga apektadong lugar.