Umabot na sa 7,856 na indibidwal o 1,499 na pamilya ang nananatili sa mga evacuation center sa Marikina City dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha na dulot ng habagat.
Ito ay batay sa pinakahuling datos ng lokal na pamahalaan as of 1:20 PM.
Sa ngayon, nananatili sa 2nd Alarm ang antas ng tubig sa Marikina River na nasa 16.2 meters.
Samantala, naabutan ng Radyo Pilipinas ang operasyon ng idineploy na mas malalaking mobile booster flood pumps sa Barangay Malanday at Tumana.
Ito ay para higupin ang umapaw na tubig sa creek sa matapos na hindi gumana ang pumping station ng DPWH.
Tinatayang tatlong beses na mas malaki ang pumping capacity ng mga ito kumpara sa kasalukuyang pumps sa Tumana Pumping Station.
Kasabay nito, nagpapatuloy ang clearing at clean-up operations sa Barangay Malanday upang agad na malinis ang mga kalsada at iba pang apektadong lugar.