Bumida ang mga produkto ng 43 exhibitors na binubuo ng mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at farmers’ cooperatives and associations (FCAs) sa katatapos na 9th ASPIRE (Agribusiness Support for Promotion and Investment in the Regional Exposition) 2026 na ginanap sa Lungsod ng Naga.
Ayon kay Metro Naga Chamber of Commerce and Industry (MNCCI) President Emelita Menes, sa pamamagitan ng ASPIRE, nabibigyan ang mga magsasaka, mangingisda, at MSMEs ng oportunidad na makapagbenta at maipakilala sa publiko ang kanilang mga produkto, kabilang ang iba pang agricultural products.
Binigyang-diin ni Menes na patuloy ang mga hakbang ng MNCCI upang matulungan at masuportahan ang mas maraming maliliit na negosyante.
Una rito, nagbukas noong August 7, 2026, at nagtapos noong August 9, 2026, ang 9th ASPIRE 2026.
Naging highlight sa aktibidad ang paglulunsad ng Benteng Bigas Meron na! o P20 Rice Project ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
