Abiso sa mga customer ng Manila Electric Company (Meralco).
Magpapatupad ng bahagyang bawas-singil sa kuryente ang Meralco para sa billing ngayong Agosto.
Ayon sa Meralco, apat na sentimos kada kilowatt hour ang ibababa sa singil dahil sa refund na iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC), na nakapaloob sa Actual Weighted Average Tariff.
Katumbas ito ng siyam na pisong bawas para sa mga kumokonsumo ng average na 200 kilowatt hours kada buwan, habang aabot naman sa P21 ang bawas para sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt hours kada buwan.
Samantala, sinabi ng Meralco na nagpapatuloy ang kanilang restoration efforts sa mga linya ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo at habagat.
Sa ngayon, bumaba na sa mahigit 38,000 ang bilang ng mga apektado ng power service interruptions.