Kaagad na nagsagawa ngayong Lunes, August 10, 2026, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol – Fisheries Integrated Laboratory ng assessment at validation kaugnay ng naiulat na fish kill sa Lake Buhi sa Buhi, Camarines Sur.
Batay sa BFAR Bicol, isinagawa ang aktibidad upang matukoy ang posibleng sanhi ng pagkamatay ng mga isda at masuri ang lawak ng epekto nito sa lawa.
Kaugnay din nito, nag-deploy na ang BFAR Bicol ng mga tauhan mula sa Fisheries Protection and Law Enforcement Group (FPLEG) upang makipag-ugnayan sa local government unit (LGU) at matiyak na hindi na maipagbibili sa mga pamilihan ang mga namatay na isda.
Una rito, naiulat noong August 8, 2026, ang pagkasawi ng ilang isda sa Lake Buhi.
📷 Photo courtesy: BFAR Bicol