Photo courtesy of Makati LGU
Nagsagawa ng maintenance, clean-up at clearing operations ang lungsod ng Makati sa ilang mga creek ngayong araw para makaiwas sa matinding pagbaha.
Sa pangunguna ng Makati Department of Engineering and Public Works (DEPW), pinagtatanggal ng lokal na pamahalaan ang mga naipong basura sa Calatagan Creek sa Brgy. Palanan dulot ng matinding ulan noong mga nakaraang araw.
Ayon sa LGU, ito ang karaniwang nagdudulot ng baha sa lungsod dahil nagbabara ito sa mga kanal kaya magpapatuloy ang paglilinis nila sa mga creek para tiyaking tuloy-tuloy ang agos ng tubig-ulan.
Pinapayuhan naman ang nga residente kung maaari ay iwasan na ang pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar lalong-lalo na sa mga daluyan ng tubig sa lungsod.
Batay naman sa huling tala ng Makati DRRMO, kaninang alas-nueve ng umaga ay wala nang baha sa mga kalsada o lugar sa Makati City.
Matatandaan na hindi madaanan ng maliliit na sasakyan ang Osmeña Highway kaninang madaling araw dahil sa hanggang binti na baha dulot ng magdamag na pag-ulan.