Nananatili pa rin sa evacuation centers ang ilang residente ng Parañaque City na naapektuhan ng baha nitong nga nagdaang araw dulot ng Habagat.
Batay sa huling tala ng Parañaque Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 1,500 pa rin ang mga evacuee sa lungsod.
Karamihan naman sa mga ito ay nakatira sa low-lying areas o mga lugar na kalimitang naaapektuhan ng pagbaha.
Dahil hindi pa sigurado kung hanggang kailan tatagal ang masamang panahon, hindi muna pinapayuhan ang mga evacuee na bumalik sa kani-kanilang mga tahanan pero binibigyan naman sila ng pagkain at iba pang tulong ng lokal na pamahalaan.
As of 11:00 am naman ay humupa na ang baha sa mga pangunahing kalsada sa Parañaque City pero nakaantabay pa rin ang mga awtoridad sakaling sumama pa rin ang panahon. | ulat ni Louisa Erispe