Isinumite na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Office of the Presiden (OP) ang 2027 National Expenditure Program (NEP) na nagkakahalaga ng P7.2 trillion.
Ayon kay Communications Usec Claire Castro, muling binigyang prayoridad sa budget ang sektor ng edukasyon, kalusugan, kabuhayan, seguridad, at pagpapalakas ng mga komunidad.
“Alinsunod sa temang: People-Centered Growth for an Inclusive and Resilient Future.” -Castro.
Aniya, layon nitong gawing mas kapaki-pakinabang ang bawat piso mula sa pondo ng mga Pilipino, sa pamamagitan ng mas mahusay na serbisyo at mas maraming oportunidad para sa taombayan.
Pormal na iti-turnover ang NEP sa Kongreso bukas (August 11), bilang susunod na hakbang sa proseso ng Pambansang Budget.
“Nakatakda ring magkaroon ng press briefing dito sa Malacañan bukas ng hapon 1 o’clock ang DBM para sa karagdagang detalye hinggil sa NEP 2027.” -Castro