Nanawagan si Senador Chiz Escudero sa Malakanyang na mamagitan at agad na resolbahin ang mga isyu sa pamunuan ng Department of Health (DOH) para matiyak ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) program.
Nagpahayag ng pagkabahala si Escudero sa mga isyung kinasasangkutan ng bagong talagang Health Secretary Jose Pujalte Jr., na aniya ay maaaring makaapekto sa operasyon ng ahensya.
Ayon sa senador, mahalagang maresolba ang usapin sa liderato ng DOH para matiyak ang continuity ng mga programa sa ilalim ng UHC, partikular sa pagpapalakas ng preventive healthcare at pagpapalawak ng access ng mga Pilipino sa serbisyong pangkalusugan.
Kabilang dito ang pagpapalawak ng PhilHealth coverage at pagpapahusay ng access sa health services sa mga pampubliko at pribadong health facility.
Nauna nang naghain ng reklamo sa Presidential Complaint Center ng Malakanyang ang grupong nagpakilalang “Concerned Citizens” laban kay Pujalte.
Inakusahan ito ng paglabag sa poliaiyang plnagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na magsugal sa casino sa ilalim ng Presidential Decree No. 1869 at iba pang batas.| ulat ni Nimfa Asuncion