Photo courtesy of Kag. Brian Dalilis
Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang tatlong major dam sa Luzon dahil sa epekto ng Habagat.
Sa ulat ng PAGASA kaninang alas-8 ng umaga, nakabukas na isang gate sa Ipo dam na naglalabas ng 59.30 cubic meters per second ng tubig.
Bumaba naman sa 7 gates naman ang kasalukuyang bukas sa Ambuklao Dam, na may inilalabas na 467.43 cubic meters per second, habang anim na gates din ang nakabukas sa Binga Dam.
Samantala, umakyat na sa 170.47 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam sa Bulacan, mula sa 161.81 meters na antas nito kahapon.
Malayo na ito sa critical level bagamat nasa 10 metro pa ang agwat mula sa minimum operating level ng dam na 180 meters.