Tuloy-tuloy ang monitoring at field visitation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office-NCR sa mga evacuation center sa Metro Manila kasunod ng epekto ng Habagat sa ilang lungsod.
Ito ay para matiyak na natutugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang pansamantalang lumikas.
Sa Parañaque City, kabilang sa binisita ang mga nananatili sa Silverio Elementary School, at Gymnasium ng Phase 3, BF Homes.
Sa Valenzuela City naman, kinamusta rin ang nga pamilyang nasa Luis Francisco Elementary School sa Barangay Valiente, Reales, at Valenzuela National High School.
Habang sa Las Piñas City, 128 pamilya o 539 indibidwal ang kasalukuyang nasa Verdant Covered Court sa Barangay Pamplona Tres.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Disaster Response Management Division ng DSWD FO-NCR sa mga lokal na pamahalaan para agad na matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
📸 DSWD-NCR

