Humingi ng agarang tulong si Deputy Speaker at Zambales 1st District Representative Jay Khonghun sa national government para sa mga lugar na matinding napinsala ng mga nagdaang bagyo.
Nakipagpulong na aniya siya kay Executive Secretary Ralph Recto upang iulat ang lawak ng pinsala at mga pangangailangan ng mga residente sa Zambales.
Kabilang aniya sa mga kailangan ay gamot mula sa Department of Health, relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development, at pagkukumpuni ng mga nasirang imprastraktura.
Partikular na tinukoy ni Khonghun ang mga pinsala sa San Marcelino at Santa Fe, kabilang ang isang tulay na kailangang maibalik agad para magamit ng mga residente.
Patuloy aniya siyang makikipag-ugnayan sa national government upang mapabilis ang pagdating ng tulong at suporta sa mga lokal na pamahalaan.