Unti-unti nang naibabalik ang internet at mobile services sa mga lugar na naapektuhan ng Habagat.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), 23 probinsya sa apat na rehiyon ang may tuloy-tuloy nang restoration ng connectivity.
Umabot sa 98.92% ang availability ng network ng Smart, 100% sa Globe, at 98.79% naman sa DITO.
Patuloy pang nakikipag-ugnayan ang DICT at National Telecommunications Commission (NTC) sa mga telecommunications company at lokal na pamahalaan para mapabilis ang restoration.
Layunin nitong matiyak ang tuloy-tuloy na komunikasyon at agarang pagtugon sa mga lugar na nakararanas pa rin ng problema sa connectivity.
Ang restoration ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapanatiling konektado ang mga Pilipino, lalo na sa panahon ng kalamidad.