Ipinagpaliban muna ng Department of Human Settlements and Urban Development ang pagbabayad ng housing loan amortization ng mga kwalipikadong benepisyaryo sa mga lugar na apektado ng Habagat, Tropical Storm Luis, at Typhoon Maymay.
Inatasan ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling ang mga key shelter agencies na ipatupad ang moratorium, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking naaabot ng tulong ang mga apektado ng kalamidad.
Saklaw nito ang mga benepisyaryo ng National Housing Authority, Social Housing Finance Corporation, at National Home Mortgage Finance Corporation.
Maglalabas ang mga ahensya ng kani-kanilang guidelines sa saklaw ng moratorium at paraan ng pag-avail nito.
Samantala, patuloy namang nag-aalok ang Pag-IBIG Fund ng Safe Loan sa mga kwalipikadong miyembro nito.
Inatasan din ng DHSUD ang mga regional office na makipag-ugnayan sa mga LGU at iba pang ahensya para matukoy ang pangangailangan sa pabahay ng mga pamilyang apektado ng kalamidad, lalo na ang mga nasa danger zones.