Labis ang naging pasasalamat ni Naga City Mayor Leni Robredo sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa ipinagkaloob nitong modernong medical equipment kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Our Lady of Penafrancia sa lungsod.
Inilarawan ni Mayor Robredo ang PCSO bilang “last line of defense” na kanya ring itinuturing na pamilya kung saan wala itong pinipiling kulay at malalapitan ng mga Pilipino sa panahon ng pangangailangan.
Patunay at testamento rin ito ayon sa alkalde na nakatutok at hindi nagpapabaya ang pamahalaan lalo sa aspekto ng kalusugan.
Matatandaang kamakailan ay pinasinayaan din ang pinakabagong branch office ng PCSO sa lungsod at nagkaloob ng dalawang ambulansya sa Naga City Government.
Umaasa naman ang alkalde na lalo pang lumakas at dumami ang bilang ng mga natutulungan ng PCSO alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.