Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa mga nagpapanggap na kawani ng ahensya para makapasok sa mga tahanan at makapanloko.
Nilinaw ng DSWD na hindi ito nagbabahay-bahay para magbigay ng financial o burial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.
Paliwanag pa nito, may kaukulang proseso at kwalipikasyon ang bawat programa ng DSWD at isinasagawa ang mga ito sa mga opisyal na tanggapan ng ahensya.
Pinaalalahanan ang publiko na beripikahin muna ang pagkakakilanlan ng sinumang nagpapakilalang kawani ng DSWD at manatiling alerto laban sa mga manloloko.