Ilulunsad ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) ang AGRISENSO Plus Lending Program sa Leyte ngayong araw, na lalahukan ng humigit-kumulang 1,300 magsasaka, mangingisda, at stakeholders mula sa iba’t-ibang sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Ang AGRISENSO Plus, o Agriculture Growth and Resource Integration through Strategic and Enhanced Delivery of Support and Opportunities, ay isang financing initiative ng LANDBANK na naglalayong magbigay ng accessible, adequate, affordable, at timely credit assistance sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Layunin ng programa na suportahan ang iba’t-ibang pangangailangan sa agricultural value chain, kabilang ang agricultural production, livestock, fisheries, acquisition ng farm machinery, post-harvest facilities, working capital, at iba pang produktibong aktibidad.
Inaasahang makatutulong ang financing program sa pagpapataas ng agricultural productivity at pagsuporta sa food security sa mga komunidad.