Hinikayat ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang mga magulang na bantayan ang internet at social media activity ng kanilang mga anak.
Ginawa ng Kalihim ang panawagan kasunod ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato.
Ayon kay Remulla, dapat alam ng mga magulang ang mga sine-search at tinitingnan ng kanilang mga anak online, kabilang ang posibleng pag-access sa dark web.
Iginiit ng Kalihim na kailangan ang pagtutulungan ng pamilya, paaralan, komunidad at pamahalaan sa pagtugon sa mental health concerns ng mga bata.
Sinabi rin ni Remulla na dapat magkaroon ng sapat na medical at psychiatric intervention para sa mga batang nangangailangan ng tulong.