Photo courtesy of Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
Pinalakas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang community-based solid waste management program sa Metro Manila.
Sa isinagawang close-out meeting, ini-turn over ng MMDA at Woodfields Consulting Inc. sa 13 partner local government units (LGUs) ang mga resulta at database ng limang taong programa.
Umabot sa 202 barangay ang saklaw ng proyekto sa Quezon City, Makati, Malabon, Pasig, Pasay, Mandaluyong, Taguig, Navotas, Parañaque, Pateros, Caloocan, San Juan at Manila.
Ayon sa MMDA, nakatulong ang programa sa pagpapataas ng household participation sa waste segregation at recycling.
Naitala rin ang 58% pagbawas sa naipong basura na umaabot sa mga daluyan ng tubig at pumping station. Nangako naman ang mga partner LGU na ipagpapatuloy at palalawakin ang community-based solid waste management sa kanilang mga lugar.