Nagpahayag ng intensiyon sina Manila Representative Bienvenido “Benny” Abante Jr. at dating Surigao del Norte Representative Ace Barbers na dalawin si dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa sandaling payagan na ng mga awtoridad ang mas malawak na pagbisita.
Sa isang press conference, inihayag ni Abante na balak niyang silipin ang kalagayan ng dating lider sa oras na buksan na ang pagbisita para sa iba liban sa mga malalapit na kamag-anak at legal counsel.
Gayundin ang tinuran ni Barbers, na nagpahayag ng pagkabahala sa pisikal na kondisyon ni Romualdez matapos itong ma-ospital kaugnay ng kinakaharap na mga kaso.
Ayon kay Barbers, nais niyang personal na alamin ang estado ng kalusugan ng dating Speaker.
Paliwanag ng dalawang mambabatas, na dating malapit na nakasama ni Romualdez sa Kamara, maghihintay sila ng opisyal na pahintulot mula sa kinauukulang pasilidad bago ituloy ang pagbisita.
Nang tanungin naman kung ano ang kanilang dadalhin-panalangin para sa dating house leader.