Humiling ang United Bangsamoro Justice Party o UBJP sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng pormal na imbestigasyon sa mga election-related incidents na naganap noong unang Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa sulat na isinumite ng UBJP sa NBI aniya bagamat masasabing generally peaceful ang pagsasagawa ng eleksyon sa BARMM hindi aniya pwedeng balewalain ang mga nasaktan noong election period lalo na at ilang mga taga-suporta ng kanilang partido ay nadamay sa gulo.
Ayon sa UBJP, tiwala sila na mabibigyan ng hustisya ang mga biktima lalo na at nakita naman aniya ng mga NBI personnel na nasa BARMM noong panahon ang eleksyon ang naging sitwayson sa Cotabato City kung saan nagkaroon ng shootout sa isang eskwelahan.
Wala pa naman tugon ang NBI pero nagkaroon ng pagkakataon na magkausap ang Secretary General ng UBJP na si Engr Mohajirin Ali at NBI Director Melvin Matibag noong September 10, 2026, bago isagawa ang halalaan.
Sa huling tala naman ng Commission on Elections at Philippine National Police umabot sa 23 ang nasaktan mula sa election-related incidents sa BARMM at nasa tatlo naman ang nasawi.