Target ng Department of Justice (DOJ) na matapos ngayong taon ang pag-review sa hiling ng Estados Unidos na ma-extradite si Apollo Quiboloy.
Ito ang sinabi ni House Appropriations Committee Vice Chair Keith Micah Tan bilang tugon sa interpellation ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña sa budget deliberation.
Ayon kay Tan, patuloy na nire-review ng DOJ ang mga dokumentong isinumite ng US Government kaugnay ng extradition request, at sinusuri ang mga ito batay sa umiiral na extradition treaty ng dalawang bansa.
Sinabi rin niyang malaking bahagi ng proseso ang pagsusuri sa napakaraming dokumento na isinumite ng panig ng Amerika.
Samantala, sa usapin ng umano’y pagkakabasura sa asylum application ni dating presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ng DOJ na kung mabeberipika ang naturang ulat wala nang legal impediment para ma-deport siya ng Austria.