Photo courtesy of President Lee Jae Myung's official Facebook Page
Nilinaw ni South Korean President Lee Jae Myung na hindi magpapadala ang kaniyang bansa ng mga military asset na maaaring magtulak sa South Korea na direktang masangkot sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East, partikular sa digmaan kaugnay ng Iran.
Ayon kay President Lee, hindi lalahok ang South Korea sa ano mang operasyong maaaring mauwi sa digmaan.
Aniya, kailangan nilang gumawa ng limitadong hakbang upang maprotektahan ang mga South Korean citizen, commercial vessel, at suplay ng langis na dumaraan sa Strait of Hormuz.
Kasalukuyang namang pinag-aaralan ng Seoul kung paano mapalalakas ang maritime security sa rehiyon.
Mayroon ding naval unit na nakatalaga ang South Korea malapit sa Somalia bilang bahagi ng anti-piracy mission.
Ang pahayag ni President Lee ay kasunod ng panawagan ng Estados Unidos para sa mas aktibong suporta ng Seoul sa seguridad sa Middle East.
Gayunman, iginiit ng South Korean Leader na may malinaw na hangganan ang magiging papel ng kanilang bansa sa naturang krisis.