Nakatakdang pangunahan ng Pilipinas ang 58th ASEAN Economic Ministers’ Meeting and Related Meetings sa Maynila simula September 19 hanggang 22, kung saan pagtutuunan ng pansin ng mga economic minister ng ASEAN ang pagpapalakas ng kalakalan, pamumuhunan, digital economy, at matatag na supply chains sa rehiyon.
Ayon kay ASEAN Economic Community Council Minister at DTI Undersecretary Allan Gepty, mahigit 20 pulong at konsultasyon ang isasagawa kasama ang ASEAN member states, dialogue partners, international organizations, at pribadong sektor. Kabilang sa mga pangunahing agenda ang ASEAN Digital Economy Framework Agreement o DEFA, ASEAN Semiconductor Roadmap, ASEAN Power Grid, at pagpapalawak ng mga free trade agreement upang mapalakas ang ekonomiya ng rehiyon sa gitna ng mga pandaigdigang hamon.
Inaasahan ding magsisilbing paghahanda ang mga pulong para sa economic agenda ng mga lider ng ASEAN sa ika-49 na ASEAN Summit sa Nobyembre, habang isinusulong ng Pilipinas ang mas konektado, matatag, at inklusibong paglago ng ekonomiya sa rehiyon.
“In sum, the ASEAN Economic Ministers’ Meeting and related meetings this month is all about cooperation, connectivity, and community in the region.”— DTI Undersecretary Allan B. Gepty