Bumaba pa ang water level sa Marikina River kasunod ng pagbuti ng panahon.
Sa monitoring ng Marikina Rescue 161, nasa 14.2 meters na ang antas ng tubig sa ilog as of 12 noon ngayong araw.
Itinuturing itong normal level, matapos umabot sa 1st at 2nd alarm ang water level nitong weekend, na nagdulot ng maagang paglikas ng ilang residente.
Samantala, dahil sa patuloy na pagbuti ng panahon, nagsimula na ring magsiuwian ang mga residenteng pansamantalang nanatili sa mga evacuation center.
Puspusan din ang ginagawang clearing at clean-up operations sa mga apektadong lugar matapos ang ilang araw na malakas na pag-ulan.
Naka-deploy ang mga tauhan at kagamitan ng lungsod upang agad na malinis ang mga kalsada at apektadong lugar at maibalik sa normal ang sitwasyon sa mga komunidad.