Sa gitna ng epekto ng El Niño, nagsimula na muling mag-isyu ng heat index forecast ang PAGASA.
Ngayong unang Martes ng Nobyembre, nasa ‘danger’ level na agad na heat index ang inaasahan sa ilang lugar sa bansa.
Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo sa hanggang 42-43°C ang maramdamang heat index sa 16 na lugar sa bansa.
Pinakamataas ang posibleng maitalang heat index sa San Jose, Occidental Mindoro, at Iloilo City sa Iloilo.
Sa ilalim ng danger category, maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.