Nanawagan ang National Council on Disability Affairs (NCDA) sa Department of Transportation (DOTr) na panagutin ang konduktor ng bus na umano’y sangkot sa pangha-harass sa isang babaeng pasaherong may hearing disability sa Tagbilaran City, Bohol.
Sa pahayag ng NCDA, naganap ang insidente noong Novrmber 1, habang bumibiyahe ang biktima kasama ang menor de edad niyang anak patungo sa simbahan.
Ipinadala na rin ng NCDA ang opisyal nitong liham sa DOTr para hilingin ang agarang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga responsable.
Binigyang-diin ng NCDA na karapatan ng mga persons with disabilities (PWDs) ang ligtas, maayos at marangal na pagsakay sa pampublikong transportasyon.