Nanawagan ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) kay Land Transportation Office (LTO) Chief Marcus Lacanilao na awatin ang transport group Manibela na nagsasagawa ng tigil-pasada bilang suporta sa kanyang pananatili sa LTO.
Ayon kay LCSP President Ariel Inton, hindi dapat idamay ang mga pasahero sa usapin ng pananatili sa puwesto ng isang opisyal.
Giit ng LCSP, maaaring ipakita ang suporta o pagtutol sa ibang paraan na hindi makaaapekto sa mga commuter.
Hiniling din ng grupo na hayaan ang Pangulo na magpasya kung sino ang nararapat italaga sa puwesto.
Naniniwala ang LCSP na hindi hahayaang mapinsala ang libo-libong pasahero dahil lamang sa usapin ng kanyang pananatili sa LTO.