Ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyon para sa piyansa ni Senator Rodante Marcoleta at petisyon sa bail ng tatlo pang akusado sa kasong plunder.
Kabilang sa mga ito sina Michael Defensor, Joseph Espiritu at Aristotle Viray na kapwa nahaharap sa kasong plunder sa ilalim ng Republic Act No. 7080.
Sa resolusyong inilabas ngayong araw, Nobyembre 23, sinabi ng Third Division ng Sandiganbayan na malakas ang ebidensiya laban sa apat na akusado.
Batay sa korte, nakatanggap si Marcoleta ng kabuuang ₱75 milyon mula sa tatlong donor noong Enero 2025.
Iginiit din ng Sandiganbayan na hindi idineklara ni Marcoleta ang naturang mga donasyon sa kaniyang Statement of Contributions and Expenditures at Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.
Samantala, pinaalalahanan ng korte ang mga partido at publiko na igalang ang proseso ng hukuman at umiwas sa mga pahayag na maaaring makaimpluwensya sa nakabinbing kaso.