Puspusan ang isinasagawang clearing operations ng DPWH Mountain Province 1st District Engineering Office sa iba’t ibang pangunahing kalsada na naapektuhan ng Bagyong Maymay at habagat.
Kabilang sa mga apektado ang Mountain Province–Ilocos Sur Road via Tue Road sa Balaoa, Tadian, na kasalukuyang sarado dahil sa soil collapse.
Open-close naman ang Junction Talubin–Barlig–Calaccad Road sa Bontoc, habang one-lane passable ang Baguio–Bontoc Road sa Sabangan at Mountain Province–Tabuk–Enrile Road sa Betwagan, Sadanga, dahil sa mga slope collapse.
Patuloy din ang backfilling operations sa sinking area sa Bauko.
Samantala, iniulat ng DPWH 2nd District Engineering Office na passable sa trapiko ang lahat ng national roads at bridges sa kanilang nasasakupan.
Pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat at sumunod sa abiso ng mga traffic personnel at road maintenance crew.
📷 DPWH Mountain Province