La Mesa Dam sa QC, patuloy na umaapaw
Tuloy-tuloy pa rin ang pag-apaw ng tubig sa La Mesa Dam sa Quezon City dahil sa walang tigil na pag-ulang dala ng Habagat.
Sa inilabas na situationer ng PAGASA, bandang 5AM ay nasa 80.20 meters pa ang water level ng La Mesa Dam.
Nananatili pa itong lagpas sa spilling level ng dam na 80.15 meters.
Bunga nito, patuloy na tinututukan ang mga lugar sa bahagi ng Tullahan River sa Quezon City at CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela).