Mahigpit na tinututukan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang sitwasyon sa mga lugar na pinaka-apektado ng mga pag-ulang dala ng Habagat.
Kahapon, personal na siniyasat ni PNP Chief Police Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang kalagayan ng iba’t ibang Police Regional Office sa buong bansa.
Dito, kaniyang inatasan ang mga commander sa ground na kagyat tumugon sa pangangailangan ng mga apektado ng masamang panahon sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga tauhan at kagamitan sa pakikipag-ugnayan sa mga Lokal na Pamahalaan.
Samantala, bukod sa pagresponde, naghatid din ng tulong ang mga pulis sa mga lugar na apektado ng nagdaang bagyong #MaymayPH at #HabagatPH sa Baguio City, Abra, Rizal, La Union, Nueva Ecija, Bataan, at Batangas.
Nananatili naman ang commitment ng PNP na umalalay sa mga pamayanang higit na nangangailangan lalo na sa panahong ito ng kalamidad.
📸 PNP

