Photo courtesy of Kag. Brian Dalilis
Patuloy ang pagpapakawala ng tubig mula sa Ambuklao at Binga Dams sa Benguet ngayong Miyerkules, ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division.
Sa update nitong alas-8 ng umaga, nananatiling bukas ang isang gate ng Ambuklao Dam at tatlong gate naman sa Binga Dam, na kapwa nagpapakawala ng mahigit 400 cubic meters ng tubig kada segundo.
Samantala, itinigil na kahapon ang pagpapakawala ng tubig mula sa Ipo Dam.
Bumaba na rin sa 79.84 meters ang water level ng La Mesa Dam at wala na sa spilling level.
Dahil dito, pinauwi na ang mga residenteng pansamantalang inilikas dahil sa banta ng pag-apaw ng dam.