Patuloy na nagpapadala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng relief assistance para sa mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang Bagyong Maymay.
Kabilang sa ipinapadalang tulong ang sleeping kits mula sa Luzon Disaster Resource Center (LDRC) patungo sa DSWD Field Office III sa Central Luzon bilang augmentation support.
Nakalaan ang mga sleeping kits para sa mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation centers o iba pang ligtas na lugar habang nagpapatuloy ang disaster response operations.
Patuloy ang mobilisasyon ng DSWD Field Offices at Disaster Resource Centers para matiyak ang maagap na pagpapadala ng relief supplies sa mga komunidad na nangangailangan.