Lumampas na sa ₱2 trilyon ang nakolektang buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) mula Enero hanggang Hulyo 2026, na higit sa target nito para sa naturang panahon.
Umabot sa ₱2.003 trilyon ang koleksyon ng BIR,₱13.53 bilyon na mas mataas sa ₱1.990 trilyong target, o katumbas ng 0.68%.
Mas mataas din ito ng ₱102.60 bilyon kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, na may 5.4% year-on-year growth.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, nakatulong sa pagtaas ng koleksyon ang mas pinaigting na tax compliance at pangongolekta ng mga revenue offices.
Para naman sa Hulyo lamang, umabot sa ₱358.44 bilyon ang gross collections ng BIR, mas mataas ng ₱22.37 bilyon sa target na ₱336.07 bilyon.
Sinabi ni Mendoza na ipagpapatuloy nito ang mga reporma sa ilalim ng BIR DARES, kabilang ang pagpapasimple ng proseso, pagpapalawak ng digital services, at pagpapalakas ng pagpapatupad ng batas sa buwis.