Hindi pababayaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at tututukan nilang mabuti ang pangangailangan at kapakanan ng mga biktima ng landslide sa Guisad Surong, Baguio alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa panayam ng Mark In, Mark Out kay DSWD Spokesperson Assistant Sec. Irene Dumlao sinabi nitong mahigpit ang utos ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na maibigay ang mga kinakailangang tulong tulad ng financial, medical, at psychosocial intervention.
Naipa-abot na ng DSWD ang P10,000 cash assistance para sa pitong pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa nangyaring landslide.
Pagtitiyak pa ng opisyal na magkakaloob din ang kagawaran ng funeral assistance oras na matapos ang mga kinakailangang dokumento.
Naipa-abot na rin ang cash relief at medical assistance ang DSWD na nagkakahalaga ng kabuuang P30,000 para sa dalawang survivor na nagpapagaling pa rin Baguio General Hospital and Medical Center.