Nakiisa ang Department of Migrant Workers (DMW) Regional Office IX sa Asenso sa Panarbaho Job Fair sa isang lokal na mall sa lungsod ng Pagadian, Zamboanga del Sur, kung saan inilapit ng ahensya ang mga overseas employment opportunity para sa mga jobseeker ng lungsod at katabing mga lugar.
Nasa kabuuang 1,852 work abroad ang inalok sa naturang aktibidad sa pamamagitan ng partisipasyon ng apat na licensed Private Recruitment Agencies (PRAs).
Nagbigay ng impormasyon at tulong ang DMW IX sa mga aplikanteng naghahanap ng trabaho abroad, partikular sa mga nagbukas na posisyon, recruitment procedures, at ang kahalagahan ng pagkuha ng legal, ligtas, at may dokumentong trabaho sa ibang bansa.
Ang nasabing inisyatiba ay bahagi ng nagpapatuloy na pagsisikap ng ahensya na mapalawak ang access ng mga gustong magtrabaho sa labas ng bansa sa mga legitimate na overseas employment at matiyak na may sapat na impormasyon sila bago magtrabaho abroad.
📷 DMW Region IX