Naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi makatutulong ang pagpapataw ng dagdag na multa sa mga taong hindi nagtatapon nang maayos ng kanilang basura.
Sa ambush inteview sa isinasagawa nitong inspeksiyon sa clearing at waste collections operations sa Jose Diokno Boulevard sa Pasay, sinabi ng Pangulo na batid naman ng mga tao na may multa sa maling pagtatapon ng kalat.
Wala naman aniyang sinumang magnanais na mapatawan ng penalty, subalit ang problema ay ang kawalan ng sistema na gaya ng ginagawa sa ibang bansa tulad ng Japan.
Ang kailangan din pagbibigay-diin ng Presidente ay mabigyan ng facilities ang mga tao kung saan maaaring itapon ang basura.
Kung tutuusin sabi ng Punong Ehekutibo ay ganun lang ka-simple ang problema, ang kailangan lang ay may makitang lugar ang mga tao kung saan nila pwedeng itapon ang kanilang basura.