Personal na tiningnan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isinasagawang clearing at waste collections operations sa Jose Diokno Boulevard sa Pasay.
Kasama ng Pangulo sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes, nasa inspeksiyon din si Energy Secretary Sharon Garin.
Sa ambush interview sa Chief Executive, sinabi nitong pinag-aaralan na ang mga lugar na maaaring gawing waste to energy plant, bilang bahagi ng isinusulong na waste to power energy.
Ayon sa Pangulo, magkikinabang din dito ang mga nasa local government unit (LGU) dahil hindi masyadong malaki ang kailagan nilang gugulin sa pagbabayad sa landfill.
Bahagi aniya ito ng estratehiya sa flood control habang ikinakasa na ang dredging at iba pang pamamaraan para maibsan ang problema sa baha.
Dagdag ng Pangulo, na dapat ding matiyak na hindi mababarahan ang mga pumping station ng mga basura kaya dapat aniyang maagapan na makuha ang mga ito at maiwasang pamunta ito sa daluyan ng tubig at ilog.