Relief goods, naihatid sa liblib na lugar sa Zambales
Matagumpay na naipaabot ng mga otoridad ang relief items sa isolated areas sa bayan ng Marcelino sa Zambales.
Nasa bandang paanan kasi ng bundok ang naturang lugar at nasira ang tulay doon kaya pahirapan ang pagbibigay ng tulong.
Sa programang Boses, sinabi ni Zambales Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Head Rolex Estella na gumamit pa sila ng lubid para maitawid ang relief goods sa 1,800 residente doon.