Pormal nang nagtulungan ang Social Security System (SSS) at Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) upang ilunsad ang SSS LoanLite sa DiskarTech app.
Sa ilalim ng programa, maaaring mag-apply ang mga kwalipikadong miyembro ng SSS ng microloan na nagkakahalaga mula ₱1,000 hanggang ₱20,000 gamit lamang ang kanilang cellphone.
Ayon sa SSS at RCBC, layunin ng digital lending service na gawing mas mabilis, mas maginhawa, at mas ligtas ang pagkuha ng financial assistance.
Nilagdaan ang Memorandum of Agreement sa pangunguna nina SSS President at CEO Robert Joseph de Claro at RCBC President at CEO Reggie Cariaso, kasama ang iba pang opisyal ng SSS at RCBC.