Patuloy na pinaiigting ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paghahatid nito ng tulong sa mga nasalanta ng Habagat at Bagyong Luis at Maymay.
Batay sa pinakahuling tala ng DSWD, umabot na sa halos P329-million ang halaga ng nailaan nitong tulong sa mga apektadong komunidad.
Kasama rito ang nasa 446,066 family food packs (FFPs), 13,949 ready-to-eat food (RTEF) boxes at 5,647 non-food items (NFIs) na naipamahagi sa mga nasalantang residente.
Pinakamarami ang nailaang tulong sa Central Luzon at sa CALABARZON Region.
Kaugnay nito, malaking bilang pa ng mga residente ang nananatili sa mga evacuation center dahil sa epekto ng kalamidad.
As of August 11, mayroon pang 22,000 pamilya o katumbas ng 80,000 indibidwal ang namamalagi sa 881 na evacuation centers.
