Photo courtesy of Philippine Coast Guard (PCG)
Pinuri ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang mga kasamahan na nagpalamas ng katapangan, dedikasyon, at malasakit.
Yan ay sa gitna ng buwis buhay na pagresponde para sa ating mga kababayan.
Ayon sa PCG, sa gitna ng malalakas na ulan, pagbaha, maalon na karagatan, at iba pang panganib walang pag-aalinlangang isinagawa ng Coastguardians ang rescue operations, pre-emptive evacuation, at pagtulong sa mga apektadong komunidad at mga naantalang biyahero, upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Tiniyak ng PCG na nakaantabay sila sa iba’t ibang lugar at naka alerto ang search and rescue teams, deployable response groups, medical teams at nurses, katuwang ang mga lokal na pamahalaan at partner agencies sa pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad.