Naglabas ng panibagong listahan ang Department of trade and Industry (DTI) ng mga lugar na may ipinatutupad na price freeze sa mga pangunahing bilihin.
Ito nga ay dahil sa pagdedeklara ng mga lugar ng State of Calamity dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Habagat pati na rin ng Bagyong Inday at Maymay.
Base sa abiso ng DTI kasama na sa price freeze ang buong lalawigan ng Capiz mula noong August 10 hanggang October 9, 2026.
May price freeze na rin sa ilang lugar sa Bulacan tulad ng Munisipalidad ng Calumpit na mula August 10 hanggang October 9, at Munisipalidad ng Hagonoy mula August 13 hanggang October 12.
Nakasama na rin sa price freeze ang munisipalidad ng Imus sa Cavite mula naman August 10 hanggang October 9.
Magtatagal ang price freeze sa loob ng 60 araw o halos tatlong buwan.
Layunin naman nito na mapanatiling stable ang presyo ng mga bilihin na hindi magpapahirap sa mga residenteng apektado ng masamang panahon o kalamidad.