Photo courtesy of Department of Health (DOH)
Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na maging alerto at alamin ang rainfall warning system dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat..
Ayon sa Department of Science and Technology–Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), maaaring lumakas ang ulan sa mga bulubundukin at matataas na lugar.
Sa ilalim ng Yellow Rainfall Warning, kailangang bantayan ang mga ulat at abiso, habang dapat maging handa sa posibleng pagbaha at paglikas kapag Orange Warning.
Sa Red Rainfall Warning, agad na lumikas kung may panganib ng pagbaha o pagguho ng lupa.
Pinayuhan din ng DOH ang publiko na ihanda ang emergency go bag, subaybayan ang abiso ng lokal na pamahalaan, at lumikas kung kinakailangan.